This was taken from the links mentioned below. Full credit to Atty. Ariel Enrile-Inton for the article. You should read the original at his blog here: http://philippinenewstagalog.blogspot.com/2014/04/astig.html?showComment=1397054519329#c6757205515351511877
or at the news link here: http://www.remate.ph/2014/04/astig/#.U0VXeuaSweP
This is only being placed here as a backup just in case their servers fail.
Tuesday, April 8, 2014
ASTIG
PROUD parent ako sa graduation ng anak ko, si Angelica Alberto Enrile-Inton. May diploma na siya ng Bachelor of Arts, Major in Management Economics, mula sa Ateneo de Manila.
Ang ganda ng pakiramdam para sa aming mga magulang. Lahat ng mga nanay at tatay sa graduation rites ay proud talaga.
Congratulations sa lahat ng graduates ng Ateneo at ng lahat ng paaralan sa Pilipinas sa taong ito.
Ang commencement speaker ng Ateneo ay isang kapitan ng barangay. Si Atty. Ma. Filomena Legaspi-Rosales.
Hanga ako kay Atty. Legaspi-Rosales at pakiramdam ko ay may koneksyon ako sa kanya dahil s’ya ay isang public servant tulad ko, sa local government unit din, tulad ko noon bilang konsehal.
Pero ibang klaseng kapitana itong si Atty., matindi ang kalibre. Astig, ika nga. Ibang klase ang credentials niya, kahanga-hanga, kamangha-mangha.
Nagsilbi siya sa iba’t ibang kapasidad sa tatlong sangay ng gobyerno, well-travelled teacher and lawyer, at pangulo ng Ateneo Law Alumni Association na bihirang ipagkaloob sa isang babaeng tulad niya.
Sa maraming taon na karanasan niya, nangibabaw ang kanyang pagkadalubhasa sa pag-uugnay sa mahirap at mayaman, pag-uugnay sa iba’t ibang kultura, iba’t ibang partido at mga grupo, at pag-uugnay sa iba’t ibang paniniwala at pamamaraan para makamit ang solusyon para sa tagumpay.
Kaya kung ituring s’ya ay isang “bridge builder”. At ‘yan ang isa sa kanyang ipinagmamalaking qualification bilang kapitana sa barangay DasmariƱas sa Makati.
Ang lubos kong hinangaan ay ang kanyang pagiging barangay captain. Kung tutuusin, kwalipikado siya na isang senadora, ‘di hamak na mas kwalipikado pa siya kaysa sa ibang senador na nahalal na.
Pero siya ay nagsisilbi sa barangay at doon ipinapakita at ipinadarama ang kanyang galing.
Hindi na talaga basta-basta dapat ang mga lider ng LGU.
Maging sa QC, marami ang tumakbo at marahil ay tatakbo sa mga susunod na halalan na hindi basta-basta ang kwalipikasyon na tama lang naman.
Kung mangangarap tayo ng maunlad at mapayapang komunidad, dapat ay pumili tayo at iboto ang mga karapat-dapat at astig na mga lider tulad ni Atty. Legaspi-Rosales.
The post ASTIG appeared first on Remate.

No comments:
Post a Comment